Si Xandro ay aking anak na mahusay
Na aking mamahalin habang-buhay.
Siya'y nagbibigay sa akin ng tuwa at ligaya
Kahit anong mangyari, sa hirap at ginhawa.
Mapagmahal, masunurin, masipag at matiyaga
Mga katangiang kahanga-hanga.
Maunawain at mapagpatawad din ang aking anak
Sa mga pagkukulang hindi ko sinasadya.
Isang ngiti, isang halik, isang yakap na mahigpit
Pagmamahal ng isang anak, wala ng hihigit.
Ang aking anak ay madasaling bata
Marunong magpasalamat sa Diyos, ating Ama.
Ako'y nagpapasalamat sa ating Diyos Ama
Dahil sa anak kong si Xandro, isang tunay na biyaya.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment